Kapuso Foundation's Operation Bayanihan
November 11 2013
Sa mga gustong mag-abot ng tulong sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyong Yolanda, narito ang mga detalye ng Operation Bayanihan ng Kapuso Foundation.advertisement
advertisement

Bukod sa pagmahal ng petrolyong kailangan sa patubig, dagdag-pahirap din sa mga magsasaka sa Calapan, Oriental Mindoro ang matinding init. Bilang suporta sa mga magsasaka, hatid natin ang food packs para sa kanila. Read more

Walang kasiguruhan ang kita lalo't mahal ang presyo ng langis pero tuloy ang pagpalaot ng mga mangingisda sa Palauig, Zambales para sa kanilang mga pamilya. Kaya sila naman ang ating tinulungan sa ilalim ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Matagal nang kalbaryo ng mga mangingisda sa Masinloc, Zambales ang panghaharass ng China Coast Guard. Ang ibang nakakahanap ng dagdag pagkakakitaan, apektado naman ng oil price hikes! Sila naman ang tinulungan ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Lubhang apektado ang kabuhayan ng maraming Pilipino sa pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo. Bukod sa mga magsasaka, mabigat din ang pinapasan ng mga trucker o ‘yung mga nagde-deliver ng gulay sa merkado. Kaya naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng tulong sa kanila sa Mt. Province. Read more

Nitong Enero, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng tulong sa mga magsasaka sa Mt. Province na naapektuhan ng frost o andap. Makalipas ang tatlong buwan, panibagong dagok ang kanilang hinaharap dahil nagtaas ang presyo ng petrolyo, maging mga gamit sa pagsasaka. Kaya agad tayong naghatid ng tulong sa kanila. Read more

Kambal na dagok ang pagtaas ng gasolina at kakarampot na kitang naiuuwi ng maraming manggagawa. Kaya ang mga taga-Cardona, Rizal, pinoproblema ang araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya. Nagtungo roon ang Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation para maghatid ng tulong. Read more

Dobleng hamon ang kinakaharap ngayon ng mga mangingisda sa Cardona, Rizal. Humihina na nga ang kanilang huli, lalo pang pinapabigat ng mataas na gastos sa pagpalaot nila ang taas ng presyo ng gas. Sa ilalim ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation, nagtungo tayo roon para maghatid ng tulong. Read more

Wala nang maiuwing kita sa pamilya sa mahal ng gasolina. Ganiyan ang malaking dagok na kinakaharap ng maraming Pilipinong manggagawa dahil sa patuloy na pagmahal ng langis. Read more

Sa tuwing may bagyo, madalas binabaha ang Malitbog Elementary School sa Minalabac, Camarines Sur kaya nasira ang ilan nilang classroom. Pero dahil sa inyong suporta, nakapagpatayo tayo ng kauna-unahang flood-resistant Kapuso school building doon na mas pinataas ang mga poste para maging ligtas! Read more

Women's Month man o hindi, walang pinipiling panahon ang ipinapakitang katatagan ng mga kababaihang nakilala namin sa Cebu. Kaya bilang pagsaludo, hinandugan sila ng inyong GMA Kapuso Foundation ng mga libreng serbisyong medikal Read more

6 na taong mailap ang ngiti ng isang dalaga sa Cardona, Rizal dahil sa kundisyon ng kanyang ngipin. Ang dati niyang kumpiyansa sa sarili ibinalik natin sa tulong ng ating partner dentist. Read more

Nasubok ang katatagan ng mga Cebuano nang tumama ang malakas na lindol na sinundan pa ng Bagyong Tino noong nakaraang taon. Pero sa kabila ng matinding mga kalamidad, hindi nagpatinag ang mga mag-aaral sa Daanbantayan at Medellin. Kaya magpapatayo ang GMA Kapuso Foundation ng matibay at kumportableng silid-aralan sa kanilang paaralan. Read more

Magkakasunod na dagok ang kinaharap ng probinsya ng Cebu nang tumama ang 6.9 na lindol at Bagyong Tino noong nakaraang taon. Pero sa pakikiisa ng donors, partners at sponsors, makakapaghatid tayo ng pag-asa sa mga mag-aaral sa Bogo, Cebu. Magpapatayo tayo doon ng matitibay na Kapuso classrooms. Read more

GMA Kapuso Foundation (GMAKF), the socio-civic arm of GMA Network, recently received a check donation from Cut Unlimited, Inc., which is earmarked for the Kapuso School Development Project in Cebu. Read more

Itinampok natin ang mag-inang nasabugan ng tangke ng LPG sa Taytay, Rizal noong nakaraang taon. Atin po silang tinulungan at naipagamot dahil sa inyo at sa ating mga donor, pero kumakatok pa rin sila sa inyong mabubuting puso para sa kanilang tuluyang paggaling. Ang BFP naman, may paalala para hindi na maulit ang ganitong insidente. Read more