GMANetwork.com - Foundation - Videos

This is the official website of the Kapuso Foundation, the most accomplished, most trusted, and most credible non-government organization in the Philippines.


Magkapatid na tinubuan ng maliliit na bukol sa iba't ibang bahagi ng katawan, papa-operahan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jan 15, 2025
GMA Kapuso Foundation

Mga Kapuso, pasintabi po sa mga naghahapunan, maselan ang aming itatampok. Nakilala ng GMA Kapuso Foundation ang magkapatid na pinapahirapan ng karamdaman dahil sa maliliit na bukol na lumitaw sa kanilang katawan. Ano kaya ang kanilang kondisyon at magagamot pa ba ito? Read more


Mga sakit sa baga, binabantayan ng DOH; medical assistance, handog ng GMAKF | 24 Oras

Jan 13, 2025
Mga sakit sa baga

Malaking hamon pa rin sa bansa ang mataas na kaso ng tuberculosis at iba pang sakit sa baga lalo't marami ang takot sa inaakalaang gastos sa gamutan. Paalala ng Department of Health may mga libreng gamutan sa mga health center. Read more


Dating komedyanteng si Allan "Mura" Padua, ipinasuri at binigyan ng tulong ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jan 10, 2025
Dating komedyanteng si Allan

Kilala bilang small but terrible sa pagpapatawa ang dating komedyante na si Mura pero hindi naging madali ang buhay matapos niyang humarap sa iba't ibang pagsubok kamakailan. Kinumusta natin siya at inabutan ng tulong kasabay ng isinagawang relief operations ng GMA Kapuso Foundation sa Bicol Region. Read more


Libreng pustiso, handog ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jan 8, 2025
Libreng pustiso

Ika nga nila, 'pag may problema -- idaan sa tawa. Pero paano kung 'yan mismo ang problema dahil sa bungi at sira-sirang ngipin? Sila ang layong tulungan sa ilalim ng "Ngiting Kapuso Project" ng GMA Kapuso Foundation.   Read more


185 na pasyente, napaoperhan sa give-a-gift surgical outreach program ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jan 3, 2025
185 na pasyente

Hindi na kailangang magtiis ng ilang Kapuso nating pinapahirapan ng sakit ngayong Bagong Taon. Dahil sa isinagawang give-a-gift surgical outreach program katuwang ang World Surgical Foundation, napa-operahan na ang mga pasyenteng may bukol, luslos, bato sa apdo at goiter sa probinsya ng Negros Occidental sa tulong ng ating volunteer doctors at partners.   Read more


"Silong Kapuso" Program ng GMAKF, hatid ay pag-asa sa 100+ pamilyang binagyo sa Batanes | 24 Oras

Jan 1, 2025
Silong Kapuso

Inabot na ng bagong taon, pero wala pa ring maayos na tirahan ang ilang pamilya sa Batanes kasunod ng pananalasa ng mga nagdaang bagyo. Bagong pag-asa ang hatid ng GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng "Silong Kapuso Project" dahil sa handog nating mga yero, semento at iba pang construction materials. Read more


Halos 6,000 blood bags, nalikom sa magkakahiwalay na bloodletting activity ng GMAKF | 24 Oras

Dec 18, 2024
blood bags

Pangamba tuwing holiday season, ang bumababang suplay ng dugo sa mga blood bank kung kailan naman ito mas kailangan, ayon sa Philippine Red Cross. Kaya bilang suporta, nagsagawa ang GMA Kapuso Foundation ng Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project sa Maguindanao, Baguio at Tarlac.   Read more


Libreng dental check-up at bunot, hatid ng GMA Kapuso Foundation sa Bayambang, Pangasinan | 24 Oras

Dec 6, 2024
Libreng dental check-up

Dahil sa hirap ng buhay, pati pangangalaga sa dental health, napapabayaan na rin ng ilan nating kababayan. Ang iba, nagtitiis na lang sa mga pamahid para maibsan ang sakit ng kanilang ngipin. Tinugunan 'yan ng GMA Kapuso Foundation at nagsagawa ng dental mission sa Bayambang, Pangasinan.   Read more


GMA Kapuso Foundation, magpapatayo ng 3 classroom na may CR sa Cotcot Talabis E.S. | 24 Oras

Dec 2, 2024

Para sa mga estudyanteng may matatayog na pangarap lahat ay kayang tiisin kahit pa sira-sirang classroom. Ganyan sa isang paaralan sa Benguet na pinapasok ng tubig tuwing umuulan! Kaya ang maagang pamasko ng GMA Kapuso Foundation tatlong matitibay na silid-aralan para sa kanila!   Read more


Relief goods at maagang pamasko sa mga bata hatid ng GMAKF sa Baras at Panganiban, Catanduanes | 24 Oras

Nov 20, 2024
Kapusong Totoo

Kung hindi sa tent, sa mga pinagtagpi-tagping yero muna umaasa ang ilang taga-Catanduanes para lang may masilungan. Marami kasi ang nawalan ng tahanan sa paghagupit ng super typhoon Pepito. At para maibsan ang kumalam na tiyan, hinatiran sila ng GMA Kapuso Foundation ng mga food pack. Read more


GMAKF, agad naghatid ng relief goods sa mga sinalanta ng Bagyong Pepito sa Camarines Norte | 24 Oras

Nov 18, 2024

Kabilang ang bayan ng Jose Panganiban sa Camarines Norte sa mga nakaranas ng sunud-sunod na bagyo. Hindi pa man nakakabangon sa Bagyong Kristine Bagyong Pepito naman ang puminsala sa mga tahanan nila at kabuhayan. Kaya sa pagpapatuloy ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation, sila naman ang ating hinatiran ng tulong.   Read more


GMAKF, patuloy na naghahatid ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo sa Cagayan at Isabela | 24 Oras

Nov 14, 2024
Kapusong Totoo

Para bang 'di magising sa bangungot ng sunud-sunod na bagyo ang dinaranas ngayon ng mga taga-Cagayan at Isabela. Habang naghihintay ng pagsikat ng araw naghatid muna ang GMA Kapuso Foundation ng inyong tulong sa kanila. Read more


4 na bayan sa Isabela, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Nov 13, 2024

Dahil nga sa sunod sunod na bagyo, malaking hamon sa mga taga-Isabela kung paanong babangon muli. Pinuntahan sila ng GMA Kapuso Foundation para hatiran ng tulong. Read more


8,000 taong binagyo sa Cagayan, nakatanggap ng food packs mula GMAKF | 24 Oras

Nov 11, 2024
Kapusong Totoo

Bago pa ang Bagyong Nika... matinding pinsala ang iniwan ng Bagyong Marce sa Cagayan lalo sa Sanchez Mira kung saan nag-landfall ang bagyo. Para maibsan kahit paano ang epekto ng bagyo, naghatid ng tulong doon ang inyong Kapuso Foundation.   Read more


GMAKF at DOH-CALABARZON, nagsagawa ng libreng newborn screening sa Tayabas, Quezon

Nov 6, 2024
Kapusong Totoo

Layon ng newborn screening ng Department of Health na tiyaking maayos ang kalusugan ng bawat bata sa bansa sa pamamagitan ng maagang pag-detect sa congenital metabolic disorder at agad na pagbibigay ng lunas para rito. Kaisa sa layuning 'yan ang inyong GMA Kapuso Foundation na naghatid ng libreng newborn screening sa Tayabas, Quezon kung saan 66 na sanggol ang ating napasuri.   Read more

advertisement


Libu-libong binagyo sa Camarines Sur at Batangas, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Nov 4, 2024
Kapusong Totoo

'Di pa tapos ang bayanihan para sa mga sinalanta ng mga Bagyong Kristine at Leon. Sa Camarines Sur at Batangas naman nagtungo ang GMA Kapuso Foundation para maghatid ng tulong sa mga nawalan ng kabuhayan at ari-arian.   Read more


Ipinatayong 3 Kapuso classroom ng GMAKF sa Benguet, may hand at foot washing facility | 24 Oras

Jun 12, 2024
GMA Kapuso Foundatio

Sa bawat tanim ng mga magsasaka sa Mankayan, Benguet hangad nila ay masaganang ani para sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Kaya sa ilalim ng Kapuso School Development Project ng GMA Kapuso Foundation nagpatayo tayo ng 3 bago at matitibay na silid-aralan!   Read more


Grade 6 student na kabilang sa mga nasalanta ng bagyong Aghon, niregaluhan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jun 1, 2024
Kapusong Totoo

Nito lamang Miyerkules, naantig tayo sa kuwento ng grade 6 student mula Quezon na hinagupit ng bagyong Aghon at nawalan ng unipormeng isusuot sana niya sa kanyang graduation. Read more


GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa mahigit 4,000 indibidwal na nasalanta ng Bagyong Aghon sa Quezon | 24 Oras

May 30, 2024
Kapusong Totoo

Matapos ang pananalasa ng Bagyong Aghon sa probinsya ng Quezon, isa sa matinding napuruhan ay ang Brgy. Cotta sa Lucena City. Marami sa gamit ng mga residente ang inanod ng baha at nabalot sa putik. Kaya sa ilalim ng Operation Bayanihan, agad na nagtungo ang GMA Kapuso Foundation sa lugar upang maghatid ng tulong. Read more


Libreng serbisyong medikal, handog ng GMAKF sa mga magsasaka sa San Enrique | 24 Oras

May 27, 2024
Kapusong Totoo

Nakababahala ang dami ng mga Pilipinong nagkaka-alta presyon na umabot pa nga sa 37% ng populasyon noong 2021, ayon sa Philippine Heart Association. Kaya ngayong hypertension awareness month, may libreng serbisyong medikal ang GMA Kapuso Foundation tulad sa San Enrique, Negros Occidental. Read more


Babaeng nanlalabo ang paningin, ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

May 25, 2024
Kapusong Totoo

Tila nanlabo ang mundo ng isang ina matapos iwan ng kaniyang pamilya. Pero bukod sa pangungulila, halos wala na rin siyang makita dahil sa kundisyon sa kaniyang mata. Dahil sa tulong ninyo, naipasuri siya ng GMA Kapuso Foundation. Read more


Libreng ECG, lipid profile test, lab test atbp., hatid ng GMAKF para sa loom weavers ng bayan | 24 Oras

May 23, 2024
Kapusong Totoo

Silent killer kung tawagin ang hypertension. Kaya paalala ng health department, ugaliing i-monitor ang inyong blood pressure. At bilang pakiki-isa ng GMA Kapuso Foundation ngayong Hypertension Awareness Month, libreng serbisyong medikal ang handog natin sa mga taga-La Union. Read more


GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa South Upi, Maguindanao del Sur | 24 Oras

May 21, 2024
Kapusong Totoo

Lubhang apektado ng el niño ang isang tribo sa Maguindanao del Sur na umaasa sa mais bilang pagkain at kabuhayan. Kaya sila naman ang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng operation bayanihan. Read more


Batang may malaking bukol sa mata, ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

May 18, 2024
Kapusong Totoo

Ngayong World Neurofibromatosis Awareness Day, tampok natin ang kuwento ng batang nakikipaglaban sa sakit na nagsimula lang bilang maliit na bukol sa mata. Read more


Mga magsasaka sa San Jorge, Samar na apektado ng tagtuyot; hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

May 16, 2024
Kapusong Totoo

Kung kailan pa naman Farmer's and Fishermen's Month, saka pa raw hirap at hindi makapagtanim ang mga magsasaka dahil sa matinding init. Kaya sa pagpapatuloy ng Operation Bayanihan, ilang magsasaka sa Samar naman ang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation. Read more