EXCLUSIVES

Vilmark Viray as an engineer and artist
GMA Music

Vilmark shares life as a singer-songwriter and full-time engineer

By Aimee Anoc
Published On: January 29, 2024, 2:35 PM

"Luckily my work pa rin ako and still have GMA Music for giving me this platform na aside from being an engineer, nabibigyan ko pa rin po ng time 'yung passion ko." - Vilmark

Thankful ang singer-songwriter at GMA Music artist na si Vilmark na sa kabila ng pagkakaroon niya ng full-time na trabaho ay nagagawa niya pa rin ang kanyang passion sa musika. 

Si Vilmark ay isang licensed electronics engineer na may master's degree mula sa Mapua University. 

"I'm working as a full-time engineer. Currently working... ayon night shift kasi 'yung hawak namin na account sa Canada and U.S.," kuwento niya. 

Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ni Vilmark sa GMA Music dahil kahit na nagtatrabaho bilang full-time engineer ay nagagawa pa rin niyang maibahagi ang passion niya sa musika. 

Nito lamang January 26, inilabas na ni Vilmark ang ikatlo niyang self-composed single under GMA Music, ang "INOWY" (I'm Not Okay Without You).

"Luckily my work pa rin ako and still have GMA Music for giving me this platform na aside from being an engineer, nabibigyan ko pa rin po ng time 'yung passion ko kasi hindi talaga s'ya mawawala sa akin e. It's my passion kaya sobrang excited ko palagi kapag may mga ganito po na interviews, na may time to record and share music," dagdag niya. 

Aminado si Vilmark na hindi madali para sa kanya na pagsabayin ang pagiging full-time engineer at artist. Pero aniya, kahit na mahirap ay gumagawa siya ng paraan. 

"I feel like if it's your passion, you'll always find time. Lagi mong hahanapan ng panahon at oras para mabigyan and ma-fulfill 'yung passion mo. 

"'Yung work kasi parang it's a routinely. Okay magwo-work ka pero mayroon ka pa ring times for yourself. During those times na mayroon akong time for myself, doon ko ina-allot 'yung pagsusulat ng song, pakikinig ng iba't ibang music para at least magkaroon din ako ng idea. Mina-maximize ko lang 'yung time na mayroon ako."

Ngayong taon, bukod sa pagre-release ng kanta ay gusto rin niyang makapag-compose para sa ibang artist. 

"Since nag-open 'yung door for me as a composer, gusto ko rin ma-try na makapagsulat ng dedicated na song sa ibang co-artists ko sa GMA Music. And of course, collaboration with other artists. 

"Pero for sure I'll be releasing more singles since supported naman ang GMA Music family ko. Palagi silang nandyan sa akin. Pinakikinggan ako sa mga gusto kong gawin with my music career. So, hopefully more exciting things will happen this year."

Samantala, mapapakinggan na ang latest single ni Vilmark na "INOWY" sa iTunes, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital music paltforms worldwide. Abangan din ang performance video ni Vilmark para sa kantang ito na ilalabas sa January 31.

 

 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->