EXCLUSIVES

John Rex debut single Someday In Your Life
GMA Music

John Rex shares excitement about releasing his debut single after winning 'The Clash 2023'

By Aimee Anoc
Published On: February 12, 2024, 5:46 PM

John Rex sa love song niyang 'Someday In Your Life': "Simula nu'ng nag-pitch sa akin ng songs ang GMA Music, ang 'Someday In Your Life' talaga 'yung tumagos sa puso at kaluluwa ko."

Excited na ang The Clash 2023 champion at GMA Music artist na si John Rex na mapakinggan ng lahat ang unang single niya na "Someday In Your Life."

Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ng singer ang excitement na mailabas na ang debut single niya under GMA Music, siyam na buwan matapos siyang tanghaling kampeon sa The Clash Season 5 noong May 2023. 

 

"'Yung experience talagang sobrang bago po sa akin lahat-lahat. Simula nu'ng nag-pitch sa akin ng songs ang GMA Music, isa kasi ang 'Someday In Your Life' sa mga pinakinggan ko and ang 'Someday In Your Life' talaga 'yung tumagos sa puso at kaluluwa ko, talagang nagpataas ng balahibo ko," sabi ni John Rex.

Dagdag niya, "Simula nu'n hanggang nag-recording all is new for me kasi first single ko. Nakapag-record naman na ako ng ibang songs but this one is different kasi masasabi ko na akin 'to, pinaghirapan ng GMA Music kasama ako. Kaya sobrang happy, excited na mailabas 'to."

Hindi naging madali para kay John Rex ang recording ng una niyang single dahil kasabay nito ay hindi inaasahang nagkaroon siya ng sakit. 

"Naging challenge siguro nu'ng nag-record ako nung song mayroon akong sipon at saka ubo. Pero sa galing ng GMA Music, Sir Kedy Sanchez, and lahat ng mga taong nandoon, tinulungan nila ako para mailabas natin 'yung dapat para sa song. 'Yun 'yung pinaka naging challenge sa akin, may sakit po ako that time nu'ng nag-record kami," kuwento nito.

Ayon kay John Rex, tiyak na maraming makaka-relate sa love song niyang "Someday In Your Life." 

"'Yung unang pumasok sa isip ko sa 'Someday In Your Life,' it's waiting. Waiting for the right time, waiting for the right place. It's a song of love na... it's not expecting, it's just waiting and hoping na dumating na 'yung love of your life. Dumating na 'yung tamang panahon, tamang lugar, tamang oras na ibigay sa iyo 'yung taong mamahalin mo forever," ani John Rex. 

Mapapakinggan ang "Someday In Your Life" simula February 16 sa iTunes, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital music paltforms worldwide.

Pre-save "Someday In Your Life," HERE

MAS KILALANIN SI JOHN REX SA GALLERY NA ITO:

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->