EXCLUSIVES

Crystal Paras and Liana Castillo
GMA Playlist

'Makiling' soundtracks, available na for streaming

By Jimboy Napoles
Published On: March 8, 2024, 5:10 PM

Mas ramdam na ang revenge drama sa pakikinig ng 'Makiling' official soundtracks. 

Maaari nang mapakinggan ang dalawa sa official soundtracks ng Makiling na “Dapat Ba?” at “Tama Ba” sa lahat ng music streaming platforms. 

Ang kanilang theme song para sa mga nagmahal at gigil gumanti na “Dapat Ba?” ay inawit ng Kapuso actress-singer na si Crystal Paras. Ito ay composed by Rina May L. Mercado, mixed by Andrea Rae N. Culla, and produced by Rocky S. Gacho. 

 

Feel na feel din ang intense na mga eksena sa serye sa awiting “Tama Ba” na inawit ng The Clash alumna na si Liana Castillo. Ito ay composed by Natasha L. Correos, mixed by Harry A. Bernardino, and produced by Rocky S. Gacho. 


Ang pambansang revenge drama ng Pinoy na Makiling ay pinagbibidahan ng Kapuso couple na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Abangan ang mga matitinding eksena sa Makiling, 3:55 PM sa GMA Afternoon Prime!

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG MAKILING SA GALLERY NA ITO:

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->