'Green Bones' original soundtrack now available for streaming
Mapapakinggan na sa digitial platforms ang theme songs ng MMFF award-winning film na 'Green Bones'!
Good news, mga Kapuso at movie enthusiasts!
Pwede nang balikan ang inspirational at emotional feels ng 2024 Metro Manila Film Festival movie na Green Bones!
Mula sa madamdaming string plays hanggang sa intense beats, available na for streaming ang original soundtracks ng inspirational-drama film.
Available na ito for streaming sa Spotify, Apple Music, at YouTube Music!
Isa sa mga hindi malilimutang pelikula noong 2024 MMFF ang inspirational-drama film na Green Bones.
Dahil sa madamdaming istorya at galing ng award-winning cast nito, tumatak ang pelikula sa puso ng mga manonood.
Dagdag din sa napakagandang cinematography ang nakakaantig nitong original soundtrack ng pelikula.
Isa na rito ang soundtrack song na "Nyebe", mula sa Kings of P-pop na SB19.
Marami ang natuwa nang gamitin ang kantang ito dahil mas binibigyang emosyon at inspirasyon ang bawat eksena ng pelikula.
Nanalo ang Green Bones bilang Best Picture sa Gawad ng Parangal ng 50th MMFF.
Nanalo rin ito ang major awards tulad ng Best Actor (Dennis Trillo), Best Supporting Actor (Ruru Madrid), Best Child Performer (Sienna Stevens), Best Screenplay (Ricky Lee and Angeli Atienza), at Best Cinematography (Neil Daza).