'MAKA Season 2' OST 'Am I In Love,' now available for streaming
Pakinggan ang bagong soundtrack ng 'MAKA Season 2' na "Am I In Love" na inawit ni Josh Ford dito.
Mapapakinggan na ang bagong nakakakilig na soundtrack ng MAKA Season 2 na "Am I In Love" sa Spotify, YouTube Music, at iba pang digital music platforms.
Inawit ang "Am I In Love" ng cast member na si Josh Ford, na nagpakilig sa kanyang recording ng kanta. Bukod sa nakaka-in love na lyrics, dumagdag sa kilig ang sweet na sweet na pag-awit ng aktor.
Ang "Am I In Love" ay likha ni Ann Margaret at produced ni Rocky Gacho under GMA Playlist.
Sa MAKA Season 2, nagpakilig si Josh bilang Josh Taylor, isa sa love team ni Zephanie. Kabilang si Josh sa bagong cast members ng MAKA Season 2 kasama sina Elijah Alejo, Shan Vesagas, Bryce Eusebio, Cheovy Walter, at MJ Encabo.
MAS KILALANIN SI JOSH FORD SA GALLERY NA ITO