ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
2, patay sa magkahiwalay na insidente ng pananaksak sa araw ng Pasko sa Antipolo City
By GMA Integrated News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang babae at isang lalaki ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pananaksak sa Antipolo City, Rizal sa araw ng Pasko.
Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Miyerkules, isang babae ang sinaksak ng kaniyang stepson matapos umang mag-away tungkol sa gastusin sa bahay sa Barangay Cupang.
Bago mangyari ang krimen, magkainuman pa umano ang biktima at ang suspek na humantong sa pagtatalo hanggang sa mauwi sa krimen.
Tumakas ang suspek na pinaghahanap na ng mga awtoridad.
Isang tricycle driver naman ang pinagsasaksak at napatay na papasok na sana sa kaniyang bahay sa Barangay San Jose.
Tatlo sa apat na suspek ang naunang naaresto, at sumunod na nadakip sa follow-up operation ang mismong sumaksak sa biktima.—FRJ, GMA Integrated News
Tags: crime
More Videos
Most Popular