ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
17 sugatan sa banggaan ng jeepney at mixer truck sa Castilla, Sorsogon
By GMA Integrated News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Labingpitong tao ang sugatan matapos magkabanggaan ang sinasakyang jeepney at isang mixer truck sa Castilla, Sorsogon.
Ayon sa ulat sa 24 Oras weekend, base sa imbestigasyon kinain ng jeepney ang linya na patungong Sorsogon City, kaya nasalpok ng truck na patungo naman sa Legazpi City.
Makikita sa video na wasak na wasak ang harapan ng jeepney, habang nakahandusay sa kalsada ang mga pasahero nito.
Dinala ang mga sugatan sa ospital. — BM, GMA Integrated News
Tags: Castilla Sorsogon
More Videos
Most Popular