ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Lalaking putol ang ulo, nakitang nakahandusay sa tabi ng kalsada sa Negros Occidental
By GMA Integrated News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bumulagta sa tabi ng kalsada ang katawan ng isang lalaki na nakahiwalay ang ulo matapos na pagtatagain umano ng dating kaaway sa Cauayan, Negros Occidental.
Sa ulat ng GTV State of the Nation nitong Lunes, sinabing lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na bumibili sa isang tindahan ang biktima nang dumating ang suspek na armado ng itak.
Sinubukan umano ng biktima na tumakbo pero nahila siya ng suspek at doon na pinagtataga.
Matagal nang alitan ang tinitingnan motibo ng pulisya sa nangyaring karumal-dumal na krimen.
Napag-alaman na inireklamo noon ng biktima ang suspek dahil sa pananakit nito sa kaniyang kapatid.
Nahuli naman ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong murder. Wala pa siyang pahayag.-- FRJ, GMA Integrated News
Tags: heinous crime
More Videos
Most Popular