ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Lalaki, natagpuang patay matapos atakihin umano ng kalabaw sa Negros Occidental
By GMA Integrated News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang lalaki ang nakitang patay na matapos atakihin umano ng isang kalabaw sa Barangay DSB sa Pontevedra, Negros Occidental.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabi ng pulisya na nagpastol pa ng kalabaw ang biktima sa isang bakanteng lote bago siya natagpuang wala nang buhay.
Hindi na nagawang makauwi ng biktima dahilan para hanapin siya ng kaniyang mga kaanak. Nang matagpuan, nakita ang lalaki na may sugat sa tiyan.
Paniwala ng mga kaanak, inatake ng kalabaw ang lalaki dahil sa nakitang dugo sa sungay ng isang kalabaw sa lugar.
Nag-uusap na ang mga kaanak ng biktima at may-ari ng kalabaw kaugnay ng insidente. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
Tags: kalabaw
More Videos
Most Popular