ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Batang lalaki, patay matapos tangayin ng baha sa Basilan; isa pa, nawawala


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Batang lalaki, patay matapos tangayin ng baha sa Basilan

Patay na nang matagpuan ng mga rescuer ang isang batang lalaki na tinangay ng baha sa Tumahubong River sa Sumisip, Basilan.

Samantala, patuloy na hinahanap ng mga rescuer ang isang 11-anyos na batang babae na nalunod sa isang ilog sa Lamitan, Basilan nitong Biyernes. 

Sa mga oras na ito ay patuloy na nakararanas ng masamang panahon ang mga residente ng Basilan.

Pinag-iingat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga residente sa posibleng flash flood at landslide. 

Ang masamang panahon ay dulot ng Hanging Habagat—KG, GMA Integrated News