ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Lalaki, tinaga sa ulo ng kainuman na pinayuhan niya na ‘wag manggulo kapag nakainom


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sugatan ang isang lalaki matapos tagain sa ulo ng kaniyang kainuman na pinayuhan niyang huwag manggugulo kapag nakainom sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Miyerkoles, sinabing nag-iinuman ang 39-anyos na biktima at 21-anyos na suspek sa Barangay Muta nang payuhan ng una ang huli.

Posible umanong minasama ng suspek ang payo ng biktima kaya umalis ito at kumuha ng itak na kaniyang ipinantaga sa ulo ng biktima pagbalik sa inuman.

Nagpapagaling sa ospital ang biktima, habang pinaghahanap ng mga pulis ang tumakas na suspek.—FRJ, GMA Integrated News

Tags: crime