ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
'DINOSAUR 'YAN?'

Jumbo lechon na 90 kilos ang bigat, inihanda sa Bohol


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Namangha ang mga netizen sa laki ng lechon na  inihanda para sa pamamanhikan na ginanap sa Talibon, Bohol.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, sinabing inihanda ang pagkalaki-laking lechon sa Barangay San Agustin.

Ayon sa bride to be na si Roxanne Renomeron, may bigat na 90 kilos ang lechon.

Sa video ng GMA Integrated Newsfeed, sinabi ni Roxanne na ipinalagay na lang daw niya sa gitna ng bahay ang lechon dahil sa pangamba niyang hindi kakayanin ng kanilang lamesa ang dambuhalang handa.

Ang pamilya ng ikakasal at ang mga nakisalo sa kanila, happy sa laki ng lechon na kanilang pinagsaluhan.

Mabilis na nag-viral online ang kakaibang laki ng lechon.

Ilang netizens ang nabiro na parang lechong dinosaur ang kanilang pinagsaluhan.

Sa mga nagtatanong kung naluto ba nang husto ang lechon dahil sa laki nito, sabi ni Roxanne, "Oo. 100% luto ang lechon, walang kadugo-dugo."

Hindi naman nabigo ang magiging groom na si Bobby dahil nakuha niya ang basbas ng pamilya sa kanilang kasal ni Roxanne. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

Tags: umgnews, Lechon