Pagkaltas umano ng brgy. officials sa P10k ayudang pera sa ilang residente sa Jaro, Iloilo City, iimbestigahan ng DSWD
NOBYEMBRE 13, 2025, 9:08 PM GMT+0800
SINULAT NI GMA INTEGRATED NEWS
Iniutos ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, na imbestigahan ang ulat na may ilang residente sa Barangay Quintin Salas sa Jaro, Iloilo City ang nakakuha lang ng P2,000 perang ayuda mula sa kagawaran sa halip na P10,000, dahil kinuha umano ng mga opisyal ng barangay ang P8,000.