Bata sa Lanao del Norte, bakit pula ang buhok kahit walang lahing dayuhan?
SETYEMBRE 13, 2024, 1:35 AM GMT+0800
SINULAT NI JAMIL SANTOS,GMA INTEGRATED NEWS
Takaw-pansin sa kanilang lugar ang isang lalaking dalawang-taong-gulang dahil sa kulay pula nitong buhok. Ang kaniyang mga magulang, parehong itim ang buhok at walang lahing dayuhan. Ano nga ba ang sanhi ng kakaibang kulay ng buhok ng bata na pinagmumulan ng kung ano-anong paniniwala at mga espekulasyon?