Patunob o pagpatong ng imahen ng Birheng Maria sa ulo at balikat, nakagagaling umano ng karamdaman
ABRIL 15, 2025, 11:12 PM GMT+0800
SINULAT NI JAMIL SANTOS,GMA INTEGRATED NEWS
Dinarayo ng mga deboto tuwing Semana Santa ang Our Lady of Lourdes dahil sa pagiging mapaghimala umano nito sa Misamis Oriental. Bukod dito, mayroon ding tradisyon na nakapagpapagaling umano ng sakit na kung tawagin ay Patunob, o pagpapatong ng imahen ng Birheng Maria sa ulo at balikat ng deboto.