Arestado ng pinagsanib na pwersa ng NBI-Counter Terrorism Division at intelligence team ng AFP at PNP ang dalawang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group.

Kinilala ang mga suspect na si Abdulla Addi, alias Tuma; at si Aluyudan Guru, alias Abu Tarik.

Unang naaresto sa Zamboanga City si Tuma na isa raw sa gumagamot sa mga sugatang bandido.

Kasama rin daw si Tuma sa pagdukot ng ASG sa 21 turista sa Sipadan, Malaysia noong 2000. 

Sa pagkakaaresto kay Tuma, nagkaroon ng lead ang mga awtoridad  sa kinaroroonan ni Abu Tarik malapit sa LRT Station sa Baclaran.

Malapit daw sa mga pinuno ng ASG na si Khadaffi Janjalani at Isnilon Hapilon si Abu Tarik na may standing warrant of arrest dahil sa kasong kidnapping

Pinaniniwalaang isa rin si Abu Tarik sa mga kasama sa pulong sa planong pagkubkob ng Maute ISIS sa Marawi City.

Si Abu Tarik din umano ang nag facilitate sa pagpasok ng grupo ni Hapilon sa Marawi City. —NB, GMA News