Cross deck landing chopper exercise, isinagawa ng PH, US, France bilang bahagi ng Balikatan 2024
ABRIL 26, 2024, 9:05 PM GMT+0800
SINULAT NI IAN CRUZ,GMA INTEGRATED NEWS
SULU SEA, Northeast Palawan—Nagpapatuloy ang multilateral maritime exercises bilang bahagi ng Balikatan 2024 sa pagitan ng Pilipinas, Amerika, at France. Kanina, isinagawa ang cross deck landing o ang paglipad ng helicopter ng isang navy tungo sa kaalyadong navy.