Bumagsak ang kisame ng isang mall sa general santos city.

Ayon sa ulat sa “Unang Balita”, tinatayang nasa 30 metro o higit pa ang haba ng kisameng bumagsak sa ground floor lobby ng gusali.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Pero dahil diyan, pansamantalang itinigil ang operasyon ng mall.

Iniimbestigahan na kung bakit bumagsak ang kisame. —NB, GMA News