Nitong Hunyo, nag-viral ang larawan ng isang ama na pasan-pasan papasok ng paaralan ang binatilyo niyang anak na walang mga kamay at paa.

Kilalanin ang mag-amang Antonio at Angelito "Nunoy" Sabater ng San Jose del Monte, Bulacan.

Sa likod ng viral nilang photo, ay ang mga pagsubok na hinaharap ni Tatay Antonio sa pag-aalaga kay Nunoy. Kuwento niya, tatlong taong gulang si Nunoy nang maghiwalay sila ng kaniyang asawa, kaya lumaki itong walang ina at nawalay sa kapatid.

Nasa ikapitong baitang na ngayon ang 16-anyos na si Nunoy, na pinapangarap na maging isang computer programmer. —Jamil Santos/LBG, GMA News