Para libangin ang mga sarili, ilang magsasaka sa Bagabag, Nueva Vizcaya ang naisipang maglaro ng Hep Hep Hooray, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Ang video ng kanilang katuwaan, naging viral sa social media.

Kuwento ng uploader at magsasaka ring si Gilbert Abila Prado,  nakatuwaan lang nilang gawin ang laro habang nagpapahinga sa pagsasaka.

Paghahanda na rin daw nila ito sakaling ma-experience nila mismo nang live sa Wowowin mag-Hep Hep Hooray!

Matapos ma-upload ang video, may mahigit 500,000 views na ito. —KBK, GMA News