Sumalpok ang isang ambulansya sa kasalubong nitong pampasaherong jeep sa Quezon City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Sa video makikita na sa pagliko ng ambulansya ay kinain nito ang kabilang linya at bumangga sa jeep.

Ayon sa may-ari ng CCTV, takaw aksidente ang naturang bahagi ng kalsada.

Nitong nakarang taon nga lang daw, isang motorsiklo ang nakunang sumalpok sa kanilang gate.

Sa lakas ng impact ay hindi kaagad nakatayo ang rider. —KBK, GMA News