Mahigit P20 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng pulisya sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Pasay at Las Piñas, ayon sa ulat ni Darlene Cay sa Unang Balita nitong Huwebes.

Unang naaresto si Jane Morales na target umano ng buy-bust operation na ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Isang kilong shabu ang dala ng suspek na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.

Nang magkapalitan ng item, inaresto si Morales at ang kasama nitong si Elazara Sta. Ana.

Ayon kay Morales, binabayaran umano siya ng kanyang amo na hindi niya pinangalanan ng P20,000 kada transaksyon pero hindi raw niya alam na shabu ang pinade-deliver sa kaniya. Sinasabi lang daw sa kaniya kung saan ito dadalhin at paano siya kokontakin.

Samantala, arestado rin sa buy-bust operation ang isang isang Nigerian at kasamahan nitong Pilipino sa Las Piñas nitong Miyerkoles.  

Isang tag- pdea ang nagpanggap na buyer ng halos P14 milyong halaga ng iligal na droga. —KBK, GMA News