Anong gagawin mo kung istorbo sa paghahanda ng report mo ang manok ng kapitbahay niyo? 'Yan ang prinoblema ng isa nating Kapuso sa Davao City.

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, naghahanda si Ammy Jean Evangelio para sa isang report sa eskuwela. Makailang beses na daw siyang sumubok na mag-practice pero tila nananadya ang manok ng kaniyang kapitbahay.

Sa kada bigkas niya, sinasabayan naman ito ng tilaok.

Sa huli, wagi ang manok dahil ipinagpabukas na lang ng estudyante ang pag-eensayo. —KBK, GMA News