Sugatan ang limang magkakaanak matapos ma-hit and run ng truck ang kanilang tricycle, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang truck na lumampas sa kanyang linya kaya nakasalubong ang tricycle ng mga biktima.

Sa lakas ng pagbangga ay tumagilid ang tricycle at tumilapon ang mga biktima.

Ang truck naman, nagtuloy-tuloy lang ng takbo.

Nadala na sa ospital ang mga biktima. Dalawa sa kanila ang nabalian.

Nananawagan sila sa mga awtoridad na mahuli  ang nagmamaneho ng nakadisgrasyang truck. —KBK, GMA News