Environment-friendly ang tema ng selebrasyon ng Antipolo city sa kanilang taunang Christmas tree lighting.

Ang kanilang 40-foot giant Christmas tree na nakapwesto sa Sumulong Park ay ginamitan ng anim na libong recycled plastic bottles, mga lumang gulong ng motorsiklo, recycled tarpaulins, at mga pinagpunit-punit na chips at candy wrappers at mga lumang Christmas decor.

Pinalibutan din ito ng dalawangpung libong LED lights.

Sa ilalim ng Christmas tree, makikita ang isang carousel na hindi ginamitan nang ano mang makina. Mapapaandar ito kapag pinedal ang limang bisekletang kasama sa carousel.

Kasabay nang pagpapailaw sa giant Christmas tree ay ang fireworks display.

Patok na patok ito sa mga bata at mga young at heart na nasa parke. —LDF, GMA News