Sa murang edad, naengganyo na ang anim na taong gulang na si Juris na mag-ipon gamit ang piggy bank para paghandaan ang kaniyang kaarawan ngayong taon. Nang buksan ang alkalsiya, nagulat siya dahil umabot sa P16,000 ang kaniyang naipon sa loob lang ng isang taon. Ano kaya ang kaniyang bibilhin?

Tunghayan ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" kung papaano nagawa ni Juris ang makapag-ipon ng malaking halaga. Alamin din ang kasunduan ng magkasintahan na magkasamang nag-iipon ng pera na umabot naman sa P52,000 sakaling mauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.


Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News