Dahil sa tindi ng traffic sa Muntinlupa, isang lalaki ang umakyat sa bintana ng bus para lang makasakay, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Makikita sa video ang tila pagbubuwis-buhay ng lalaki para makasakay ng bus.

Hindi na raw bago ang tagpong ito. Dahil daw 'yan sa araw-araw na kalbaryo ng commuters sa Sucat, Muntinlupa.

Ang dahilan po ng matinding traffic ay ang patuloy na konstruksyon ng extension ng Skyway sa Alabang. —KBK, GMA News