Dalawang mananaya ang tumama sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Mayo 22, 2023, na may kabuuang premyo na P29,700,000.00.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na ang mga lumabas na mga numero ay 28-32-12-09-18-50.

Sa Facebook page naman ng PCSO, inihayag na mayroon pang 10 mananaya ang nanalo ng second prize na P100,000.00 ang premyo.

Ayon sa PCSO, nabili ang winning tickets sa Bacoor, Cavite at sa Iloilo City.

Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45.

Ang lumabas na mga numero ay 31-33-22-43-40-19, at may kabuuang premyo na P17,256,473.40.

Sampu rin ang nanalo ng second prize na P32,000.00 naman ang halaga. --FRJ, GMA Integrated News