Mailap din ang Ultra Lotto 6/58 na umaabot na sa P155 milyon ang jackpot prize matapos na walang manalo sa draw nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 24, 2023.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na ang lumabas na mga numero sa naturang draw ay 20-14-55-22-04-58, na may kabuuang premyo na P155,077,545.40.

Sa Facebook page ng PCSO, mayroong 10 mananaya na nanalo ng 2nd prize na P120,000.00 ang premyo.

Wala ring nanalo sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45, na ang lumabas na mga numero ay 43-36-20-23-31-01,  at P36,501,337.60 naman ang jackpot prize.

Mayroon namang 13 mananaya ang nanalo ng 2nd prize na P32,000.00 ang premyo.

Nitong Huwebes, Nov. 23, wala ring nanalo ng P170 milyon jackpot sa Superlotto 6/49, na ang lumabas na mga numero ay 39-11-13-36-32-08. --FRJ, GMA Integrated News