Napiling partner ang GMA Regional TV para sa Partakan 2018, isang malaking tourism adventure ride para sa mga biking at motoring enthusiasts na gaganapin mula Marso 28 hanggang Abril 1, 2018.

 

 

Ikalimang taon na ngayon ng Partakan, kung saan tampok ang Amazing Ride para sa mga nagmomotor, na magsisimula sa Clark Parade Grounds, Angeles City, Pampanga, 12 p.m. ng Marso 28 at magtatapos sa Pozo Robo Beach, 9 a.m. sa Santa Ana, Cagayan ng Marso 31.

Sa Abril 1 naman, titingnan ang bilis ng isang motor at ng isang kotse sa AUTO MOTO drag race challenge, at maaari pang makipagkompitensya ang mga participant sa Bailout Challenge, na may kayak race.

"This is the first year for us to partner with Ropali Motorcycles Inc. for the Partakan Festival 2018. For that we are very excited because we at GMA Regional TV also promote the best in the regions, and this is one way for us to show everyone the beautiful sceneries in North (and) Central Luzon," sabi ni Jay Policarpio ng GMA Regional TV.

Bilang media partner, tutulong ang GMA Regional TV para mai-promote ang naturang event.

"We will provide media support for the upcoming festival 2018. We are very much excited for the events from March 28 to April 1. We will give support, whatever they need for media, for promotions. We are hopeful for a very successful event. We look forward to a long and fruitful partnership with Ropali and the Partakan festival as well," pagpapatuloy ni Policarpio.

Maaaring sumali ang mga nagmomotor sa Amazing Ride sa pamamagitan ng online registration sa https://partakan.com/activities/amazing-ride/. Kailangan ng limang miyembro kada grupo, na may isang Team Captain at Team Navigator.

Mayroong 18 na mga pit stop na may mga challenges sa bawat nakamotor, kung saan makakakuha sila ng mga puntos. Makakakuha sila ng mga clues sa pamamagitan ng app na gagamitin sa adventure.

Sa pagdating ng mga motorists sa Pozo Robo Beach sa Marso 31, sasalubungin sila ng Battle of the Bands, Bikini Open, Grand Raffle at fireworks, at rock fest. Dito rin iaanunsyo ang nanalong grupo.

Ang Partakan Festival ay sinimulan ni Aldous Rex Alingog, General Manager ng Ropali Motorcycles, nang mag-adventure sila ng kaniyang mga kaibigang biker. Nang tumagal, mas marami pang bikers ang nakilahok sa kanila.-- FRJ, GMA News