Pinangunahan nina Brie Larson at Samuel Jackson ang pag-promote ng kanilang pelikulang "Captain Marvel" sa Singapore.

Sa Chika Minute report ni Iya Villania, na nag-cover sa naturang fan event sa Grand Marina Bay Sands, sinabing sobrang overwhelmed ang bida sa pelikula na si Brie sa natanggap na suporta mula sa kaniyang fans.

"I can't believe how many people are here. It's my first time in Singapore so I'm trying to see how much I can while I'm here," sabi ni Brie na naging first female lead superhero sa Marvel Cinematic Universe.

Game na nag-autograph at nakipag-selfie sa fans.

"Singapore, Thank you. My first trip was one I will never forget. Your passion gave me strength. I’m grateful to have met so many of you. Can’t wait to come back and eat more Chili Crab!," bahagi ng caption ni Brie sa kaniyang Instagram post.

 

 


Ang isa sa fans na nagtungo sa event, todo outfit at nagpa-bleach pa para sa gayahin ang kulay ng buhok ng kaniyang idol.

Kasama ni Brie sa Singapore si Samuel Jackson na gumaganap na si Nick Fury, at si Gemma Chan, na gaganap bilang si Minn-erva.

Nandoon din ang mga direktor ng pelikula na sina Ryan Fleck, at Anna Boden, ang kauna-unahang female director ng Marvel Cinematic Universe.-- FRJ, GMA News