Napapanahon ang tema at swak umano sa mga millennial ang pelikulang pagbibidahan ni Kyline Alcantara na "Black Lipstick.

Sa Star Bites report ni Lhar Santiago sa GMA News TV "Balitanghali," nitong Miyerkoles, sinabing kasama rin pelikula sina Manolo Pedrosa, Migo Adecer, Kate Valdez, James Teng, Angel Guardian, at si Snooky Serna.

Isinagawa na ang look test at story conference para sa pelikula.

"To be honest po, hindi pa rin po siya talaga nagsi-sink-in totally sa akin. Well, I'm so happy na na-meet ko na po 'yung buong cast, buong crew ng Black Lipstick," ayon kay Kyline.

Masaya rin ang kaniyang mga co-star sa pagkakasama sa bagong pelikula.

"I'm very excited kasi I read the draft of the script and very millennial siya and very interesting and I'm very grateful to be part of it," sabi ni Manolo.

"I'm so excited to work with them kasi first time ko sila, Kyline, first time ko sila makasama dito," ayon naman kay Kate.

Para naman kay Migo, "I'm scared. Not of them, of course. I know that we'll be able to work properly... Personally for the movie, it's gonna, it's definitely a challenge for 2019 that I hope I can conquer."

Ang Black Lipstick ay tungkol sa isang dalagang walang tiwala sa sarili at biktima ng bullying dahil sa kaniyang kakaibang hitsura na dulot ng maselang sakit sa balat.

Ngunit mababaligtad ang lahat dahil mapapasakamay niya ang black lipstick.

"'Yung lack lipstick po ang magbibigay sa akin ng confidence," sabi ni Kyline.

Kabisado na nina Kyline, Kate at Migo ang isa't isa pagdating sa trabaho dahil magkakasama sila sa Studio 7.

Leading naman ni Kyline si Manolo sa "Inagaw Na Bituin" kaya komportable na sila sa isa't isa.

"Nakakakonekta po talaga sa aming lahat is our humor and out positivity po sa mga bagay-bagay," sabi ni Kyline. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News