Hindi napigilan nina Kuya Wil at Bitoy na magulat sa love story ng "Wowowin" contestant na si Ghemz nang ipakilala na nito ang kaniyang mister na 34 taon ang tanda sa kaniya. Si Ghemz, 13-anyos lang daw noon nang mabuntis siya ni Mang Bert, na 66-anyos na ngayon.

Pero kahit malaki ang agwat ng kanilang edad at mga pagsubok na pinagdaanan, nanatili silang nagsasama. At si Ghemz, patuloy na nag-aaral para makamit ang pangarap na makapagtapos. Panoorin ang kanilang kuwento sa video na ito.


Click here for more Wowowin videos:
 

--FRJ, GMA News