Hindi na naitago ng Grammy-award winning singer na si Adele ang pagiging fangirl ng 90s iconic group na "Spice Girls."



Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, makikita sa Instagram post ang ilang larawan at video ni Adele nang manood ng comeback concert ng grupo sa Wembley Stadium sa London, UK.

Makikita sa post ang masayang pakiki-jamming niya sa kaniyang mga kaibigan habang kinakanta ang awit ng Spice Girls.

Nagpa-picture at naki-party rin daw siya sa girl group pagkatapos ng concert.

Inamin ni Adele na labis ang paghanga niya sa Spice Girls at nagkaroon daw ito ng malaking impluwensya sa kaniyang buhay. --FRJ, GMA News