Pumanaw na nitong Huwebes ng hapon ang 90-anyos na batikang aktor at direktor na si  Eddie Garcia.

Batay sa medical bulletin na inilabas ng Makati Medical Center,  4:55 p.m. nang pumanaw ang tinaguriang Manoy ng Philippine showbiz.

"We join the entire Filipino community in praying for the soul of Mr. Eddie Garcia and his dearly beloved family and friends. We extend our deepest condolences to the Garcia family," saad sa inilabas na pahayag ng pagamutan.

 

 


Isinugod sa ospital si Eddie matapos maaksidente sa isang taping ng kaniyang TV show noong Hunyo 8.

Nagtamo siya ng cervical fracture at naging kritikal ang kondisyon.

Lubos din na nagdadalamhati at naglabas din ng pahayag ang GMA Network.

"Manoy," as he is fondly called, will be greatly missed by his family, loved ones, co-workers, and fans.

An accomplished and respected actor and director, he was a movie icon and an industry pillar who has touched so many lives in the Philippine entertainment industry. He left behind a legacy of professionalism, dedication, and love for his craft.

The Kapuso Network joins his family and the whole entertainment industry in mourning his passing."

Halos 70 taon sa showbiz industry ang dating sundalo na si Eddie, na nagsimula noong 1950 sa pelikulang "Siete Infantes de Lara."

Nakilala siya sa kaniyang husay sa pagganap sa mga karakter na bida at kontrabida.

Bukod sa pag-arte, naging direktor din siya.

Sa husay niya bilang aktor, nakakuha siya ng iba't ibang parangal. Kabilang dito ang pagkakasama niya sa Hall of Fame ng FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards).

Kamakailan lang ay nakuha niya ang Best Actor award sa Gawad Urian para sa pelikulang "ML."-- FRJ, GMA News