Inanunsiyo na ang eight official entries na kabilang sa 45th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang mga pelikulang ito ay:

  • Miracle in Cell #7 na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Bela Padilla;
  • Mission Unstapabol: The Don Identity nina Maine Mendoza, Bossing Vic Sotto, Jose Manalo at iba pa;
  • Sunod, isang horror film na pinagbibidahan ni Carmina Villaroel;
  • The Mall, The Marrier nina Anne Curtis at Vice Ganda
  • Mindanao, isang drama-animation film ni Direk Brillante Mendoza na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos at Allen Dizon
  • Write About Love starring Rocco Nacino at Miles Ocampo
  • 3pol Trobol Huli Ka Balbon nina Jennylyn Mercado, Coco Martin, at Comedy Queen Ai Ai delas Alas
  • Culion, isang historical film kung saan isa sa mga producers ay si Iza Calzado.

 

 

Present sa MMFF announcement si Carmina Villaroel kasama ang asawa na si Zoren.

Matagal na rin daw hindi bumida si Mina sa isang MMFF film, kaya nang makatanggap ng offer ay tinanggap niya kahit aminado siyang matatakutin siya.

Pag-amin ni Carmina, nakaranas daw siya ng anxiety attack while filming the movie.

Very creepy daw ang set at mismo ang staff at production ay nakaranas ng kababalaghan sa set.

Pero maliban sa katatakutan, iikot ang istorya ng “Sunod” sa single mom na gagawin ang lahat para sa anak.

Inanunsiyo rin ng MMDA na starting next year ay magkakaroon ng summer edition ang MMFF, talaga namang buhay na buhay daw ang pelikulang pilipino.

Sa Decemeber 22 naman magaganap ang Parade of Stars sa Taguig habang ang awarding ceremonies ng 45th MMFF ay sa December 27. —JST, GMA News