Asahan ang matinding aktingan sa pagsasama nina Nora Aunor at Kyline Alcantara sa TV remake ng 80s hit movie na "Bilangin ang Bituin sa Langit."

Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing si "Superstar" din ang bumida noon sa pelikula.

Masaya si Kyline na makatatrabaho niya si Ate Guy samantalang si Ate Guy naman, excited dahil marami silang similarities ni Kyline.

Samantala, pagbibidahan naman nina Barbie Forteza at Kate Valdez ang TV remake ng 80s film din na "Anak ni Waray vs Anak ni Biday."

Makakasama nila rito ang 80s stars na sina Snooky Serna at Dina Bonnevie.
--FRJ, GMA News