Engaged na ang Kapuso host na si Joyce Pring at ang aktor na si Juancho Triviño.

Inanunsyo ni Joyce ang magandang balita nitong Miyerkoles, at inihayag na engaged na sila noong Agosto pa.

"Last August 3, 2019, Juancho proposed in Boracay during my mom’s birthday trip. He flew our family, and closest friends, and surprised me with the sweetest pakulo, out of all the pakulos he’s ever pulled," ani Joyce.

"Praying about this decision for a couple of weeks" raw ang ginagawa nina Joyce at Juancho bago sila ma-engaged.

Sa kabila ng pag-attend niya ng premarital counseling sa church, "so shocked" daw si Joyce at "started UGLY CRYING on the beach when he kneeled and took my hand and asked me to be his wife."

Inihayag pa ng Unang Hirit host na napahapyawan na nila ni Juancho ang pagpaplano sa kanilang kasal sa tatlong buwan ng pagkaka-engaged, kabilang ang paglipad nila ng New York para sukatin ang kaniyang wedding dress.

Inanunsyo nina Joyce at Juancho ang kanilang relasyon Mayo nitong taon sa pamamagitan ng isang Q&A vlog.

Sa panayam ng GMA News Online kay Juancho nitong Oktubre, sinabi niyang "ultimate plan" niyang pakasalan si Joyce. — Jamil Santos/RSJ, GMA News