Sa programang "Mars Pa More," inilahad ni Jean Garcia na mas close niya ngayon ang 17-anyos na lalaking anak na si Kotaro dahil may pamilya na si Jennica.

Kuwento ni Jean, si Kotaro ang kasa-kasama niya sa kaniyang mga travel, pero hindi niya ito inii-spoil at pinapayuhan na tumayo sa sarili.

"Sinasabi ko nga kay Kotaro palagi na 'Ikaw yung tatayong tatay, head of the family. So sabi ko 'Honey maski yung pag-aaral mo ayusin mo.' Ayoko ko kasing ipilit sa kaniya ang isang bagay na hindi siya kumportable, as long as hindi siya negative para sa kaniya, o hindi makakasama sa kaniya," saad ng "The Gift" actress.

Mas kumportable aniya si Jean kung ang mga kaibigan ni Kotaro ang mag-sleepover sa kanilang bahay, kaysa mag-sleepover si Kotaro sa bahay ng mga kaibigan nito.

Sinagot naman ni Jean ang tanong kung nagseselos ba siyang may girlfriend na si Kotaro. Panoorin.

—Jamil Santos/LBG, GMA News