Sa programang "Tunay Na Buhay," ikinuwento ni Polo Ravales kung paano niya nakilala ang fiance na si Paulyn Quiza, na nagsilbi niyang gabay para tuluyan siyang gumaling mula sa kamuntikang pagkaparalisa.

Kuwento ni Polo, nagde-deadlift siya noon nang magkaroon ng crack sa kaniyang likod.

"It was a freak accident. Tapos hanggang nakilala ko siya, hanggang lumakas nang lumakas ang core ko, 'yung legs," sabi ni Polo.

Kuwento nina Polo at Paulyn, nagkakilala sila sa pamamagitan ng isang blind date.

Isang taon daw single si Polo samantalang ilang taon na ring single si Paulyn matapos mapawalang-bisa ang kasal sa dating asawa.

Ngayon, pinaghahandaan na raw nina Polo at Paulyn ang kanilang kasal na maaaring mangyari sa 2020.

Panoorin ang kanilang love story, at kanilang wedding plans sa video na ito.

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News