Ikinasal na ang Kapuso actress at  'One of the Baes' star na si Joyce Ching sa nobyo niyang si Kevin Alimon.

Idinaos ang garden wedding ng dalawa nitong Linggo sa Baguio City.

Kabilang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanilang wedding sponsors.

Ang ilan pang celebrity na dumalo sa kasal ay sina Alden Richards, Janine Gutierrez, Mikoy Morales Thea Tolentino at Gina Alajar.

Nagpalitan ng "I Do's" sina Joyce at Kevin sa isang Christian ceremony.

 

Dalawang taon na magkarelasyon sina Joyce at Kevin, at nitong Marso ay ibinalita nila ang kanilang engagement. --FRJ, GMA News