Naging maganda ang pasok ng 2020 kay "Starstruck" Season 7 First Princess na si Lexi Gonzales dahil nakasama niya agad sa proyekto si Dennis Trillo. Ang isa pa niyang pangarap na makatrabaho—si Alden Richards.

Sa episode ng weekly anthology series na "Daig Kayo ng Lola Ko," kontrabidang kapatid ni Dennis ang role ni Lexi. Kasama rin nila si Barbie Forteza.

Paglalarawan ni Lexi, napakagaang na katrabaho si Barbie, habang sobrang bait naman ni Dennis.

Bukod sa "Daig Kayo ng Lola Ko," napapanood din si Lexi sa "All Out Sundays," kung saan kasama niya naman si Alden, na isa sa mga host ng programa.



Umaasa si Lexi na makakasama niya sa isang acting project si Alden.

"Dream ko po talaga 'yon [na makatrabaho si Alden]. Pero siyempre kung ano po ang plano ng management, kung ano ang plano ni Lord. If ever po siyempre magiging sobrang happy po ako," saad ni Lexi.

Pero sobrang saya na raw niya na kasama niya ang aktor sa "All Out Sundays." --FRJ, GMA News