Sinabi ni Michelle Dee na mag-a-abroad siya ngayong tapos na ang Miss World 2019 pageant.

Paglilinaw naman ni Michelle, hindi siya magma-migrate kundi ipagpapatuloy lang ang ilan niyang modelling-related work.

Inilahad din niya ang kaniyang mga plano kasama ang Autism Society Philippines ngayong 2020 bilang kaniyang adbokasiya sa autism awareness.

Naging Top 12 si Michelle sa naturang pageant Disyembre ng nakaraang taon, pero hindi siya nakapasok sa Top 5.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News