Sa pagbisita ni Kisses Delavin sa bakuran ng Kapuso Network, natanong ang dalaga kung sino sa mga Kapuso actor ang nais niyang makatrabaho at kuno ang crush niya.

Sa panayam sa kaniya ng GMA Network, inilahad ni Kisses kung anong klaseng genre ng serye ang gusto niyang gawin kung sakali.

"Gusto ko po 'yung isang istorya ng pag-ibig na meron pong kiliti sa puso," ani Kisses.

Nang tanungin kung sino ang nais niyang maging leading man, tugon ni Kisses, "Marami na po akong na-meet na mga Kapuso stars na leading men, and masasabi ko pong humble po sila, and I'm looking forward sa kung sino man po 'yung makakapares ko in the future. Pero hindi ko pa alam kung sino."

Pagdating naman sa kung mayroon ba siyang crush na Kapuso actor, sinabi ni Kisses na wala pa sa ngayon.

"Sabi po kasi 'yung crush nagde-develop po siya mga three months," nakangiting paliwanag ni Kisses.

"Masyado pang maaga para magsabi 'yung crush ko. So siguro po balikan niyo po ako in three months," sabi pa ni Kisses.--Jamil Santos/FRJ, GMA News