Sa "Pranking In Tandem" ng "The Boobay and Tekla Show," nagpanggap si Ruru Madrid na host para sa isang bagong shopping TV channel at kumuha siya ng babaeng assistant na biktima ng prank at napaiyak pa.

Ibinebenta kunwari ni Ruru ang isang kakaibang blender, pero naaantala ang taping nang magkamali sa instruction ang assistant at kunwaring napahamak si Ruru.  Panoorin ang nakatutuwang video at alamin kung bakit napaiyak ang babae.

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

--Jamil Santos/FRJ, GMA News