May inihandang surprise short film ang GMA News reporter na si Cedric Castillo para sa asawa na niya ngayong si Rida Reyes, isang araw matapos ang kanilang kasal.

Pinamagatan itong "Hindi Mo Lang Napapansin" na mapanonood sa YouTube channel ni Cedric, kung saan ikinuwento niya ang mga maliliit na detalyeng kaniyang napapansin kay Rida.

READ: Rida Reyes and Cedric Castillo tie the knot

kabilang ang pagiging matipid, kakaibang bokabularyo at magandang pakikitungo ni Rida sa mga tao.

Bukod dito, ipinasulyap din ni Cedric ang pinagdaanang pagsubok ni Rida nang may makitang bukol na "malignant" sa dibdib nito. Pero nalagpasan ito ni Rida dahil sa kaniyang pananampalataya.

Idinerek ni Jepoi Mejia ang short film na sinulat mismo ni Cedric. Panoorin. --Jamil Santos/FRJ, GMA News