Nanawagan ang Kapuso actress na si Shaira Diaz sa mga nais magkaloob ng kontribusyon para sa mga medical frontliner na humaharap sa laban kontra COVID-19.

"Hi Guys! I, together with my friends, BBs, will be donating PPEs and food to our frontliners in Las Piñas General Hospital who badly need our help in this time of crisis," saad ng aktres sa kaniyang post sa Facebook.

"Anyone who's willing to donate let us know. Any donation (food or PPEs) is surely a big help for them!," patuloy niya.

Nakasaad sa post ni Shaira kung kanino at saan maaaring ipadala ang mga donasyon, at disenyo ng gagawing mga PPE.

Si Shaira ay isa lamang sa napakaraming celebrity na gumagawa ng kanilang hakbang para makatulong sa mga frontliner at mga taong nahihirapan dahil sa COVID-19 at umiiral na community quarantine.

Maging ang aktor na si David Licauco ay nangangalap din ng pondo para sa PPEs ng mga medical frontliner sa Makati Medical Center at iba pang ospital.

May katulad na layunin din sina Juancho Trivino, Thea Tolentino at Mikoy Morales sa kanilang non-profit group na Relieve PH.--FRJ, GMA News