Sa programang "Mars Pa More," inihayag ni Claire Castro na mayroon siyang crush na Kapuso actor na nagsisimula sa letrang "R."

Gayunman, ipinaliwanag ni Claire na napapanood sa Kapuso series na "Nagbabagang Luha," na happy crush lamang ang aktor at lumipas na.

Ngunit nang tanungin kung na-extend o nagkaroon ng "Book 2" ang pagka-crush niya sa aktor, tila kinikilig na paiwas na sumagot si Claire.

Samantala, sa tanong na kapag nambabae si mister, sino nga ba ang dapat sugurin ni misis? Alam ang sagot ng Karenina Haniel. Panoorin.

--FRJ, GMA News